Friday, May 20, 2005 |
kalbo |
shet! daming babae ang nagpa-skinhead ngayon, as in! ilan diyan ay si aiza seguerra at natalie portman (na kahawig ni sinead o'connor). nung dumalo kami kamakailan lang sa isang lesbian conference, ilan silang mapopormang skinhead ang nakita namin doon. bigla tuloy naming naisip ni kom na magpa-shave.
but no! hirap akong magpatubo ng buhok. ilang buwan ko ring inalagaan ang buhok ko (or lack thereof) nung skinhead ako. twice a month ako magpagupit noon para di magmukhang brotcha ang buhok ko. at dahil pumapasok ako sa school noon, di masyadong maganda ang tingin ng ibang estudyante sa akin. imagine mo naman, pa-girl na uniform (green checkered skirt and white blouse, complete with green neck-tie) tapos shoulder bagella tapos kalbo. di naman sa inaalala ko mga puna nila kasi deadma lang ang lola nyo. pero mahirap talaga i-maintain ang skinhead. yun ang long and short of it. promise.
pero kainggit, lalo pag iniisip ko ang pakiramdam ng maiksing-maiksing buhok (enter music: ang gaan-gaan ng feeling. ang gaan-gaan ng loob ko sa iyo). hay naku... hanggang tingin muna ako. |
posted by click & crash @ 5/20/2005 02:36:00 PM   |
|
|
5 Comments: |
-
buit na lang nabasa ko tong post mo na to, di na ko mangangarap ng skinhead.
-
bilis naman ng comment mo. kaka-post ko lang nyan mga 10 minutes ago. :)
-
gusto ko pakalbo!!! eniwey.. tutubo rin naman talaga ang buhok eh.. so, ano ang hirap dun ha? ha?
-
ung pagpapatubo ang mahirap. pero pwede ka naman pakalbo if you want. basta ako, ayaw ko pa. sa ngayon. :)malay mo bukas gusto ko na.
-
|
|
<< Home |
|
|
|
|
click & crash |
|
Latest Posts |
|
Archives |
|
Links |
|
|
|
buit na lang nabasa ko tong post mo na to, di na ko mangangarap ng skinhead.