Friday, September 30, 2005
degree or disagree
kakatapos ko lang maglunch sa megamall at pabalik na sana sa floor namin nang makasalubong ko ang classmate ko noon sa trinity. magka-group kami noon sa feasibility study at magkasabay paminsan-minsan sa yosi breaks.

siya ang namamahala ng elevator sa building. tinanong ko ang obvious, "dito ka nagtatrabaho?" oo, kakasimula lang daw niya. ang hirap daw tumayo ng buong araw. malamang. kasi dose oras trabaho nila, at walang OT pay. sabi nya, nakabarong nga daw siya at kagagalang-galang ang hitsura pero tagamando lang naman ng elevator. nakakabato daw. ask ko kung nag-graduate siya, oo rin daw. so anong nangyari? again, the obvious question still expecting the obvious answer.

wala naman problema sa trabaho nya, pero hindi ba dinidikdik sa mga utak natin na kailangan ang degree para makahanap ng magandang trabaho, tumanggap ng mataas na sweldo, at mapaayos ang buhay?

natatandaan ko nga nung iniinterview pa lang ako dito eh tinanong ako kung saan daw ako nag-aral. sinagot ko. sabay sabi na nakakapagtaka daw na magaling ako mag-ingles, samanatalang nung panahon nila ay binabatok-batukan lang nila ang mga estudyante sa school namin. kung hindi ko lang gusto ang trabaho noon, binatok-batukan ko na rin sana siya. pero i am against violence, at marunong akong rumespeto ng nakakatanda. sabagay, nakinig rin siguro siya sa dikta ng society kaya ganun ang pag-iisip nya. kahit papaano nakita nya at na-experience first hand ang kabaligtaran ng dikta sa kanya noon.

sabi naman ng nanay ko, tapusin ko raw pag-aaral ko. sayang daw ang degree tutal naman can afford na ulit siyang pag-aralin ako, at can afford na rin akong mag-aral.
pero parang ayoko. parang hindi ko na kakailanganin ang isang bond paper kung saan ilalagay ang pangalan at kurso ko. isama mo na rin dun ang school seal na hindi lang sa papel nag-iiwan ng tatak.
posted by click & crash @ 9/30/2005 01:43:00 PM  
5 Comments:
  • At 10/03/2005 11:07 AM, Blogger xty said…

    i degree! este i agree kokom! :-)

     
  • At 10/03/2005 11:38 AM, Blogger len said…

    magpa-interview ka ulit, tapos pag sinabi ulit na magaling ka talaga mag-inglis kahit galing k s skul na binabatok-batukan lang nila ang mga estudyante sabihin mo, "la pa ko degree nyan ha. kung nagkataon, wala kang trabaho ngayon!!!" :-)

     
  • At 10/04/2005 1:21 PM, Blogger click & crash said…

    dati naiinis ako pag naiisip ko yung mga tao na kayang-kaya mag-aral pero sinasayang nila kasi mapera naman sila. at naiinis ako because i am the opposite. pero ngayon mukhang baligtad na. ay ewan... degree or disagree? spin a win!

     
  • At 10/11/2005 9:40 AM, Blogger RelinqWish said…

    It takes a little bit of age and experience to realize that degrees do not make a person. A long time ago, in my senior year in high school, a teacher once told our graduating class "Do not let your academics get in the way of your education." I'm glad I didn't. Not discounting the superficial value of having a diploma to "prove one's worth," years in the academe only train us to open our minds to the knowledge the world, our peers and our elders have to offer. Stuck here in the USA, my education seems superior to most but then it becomes disheartening (but also encouraging) to see that successful people aren't that way because of their degrees. It's because they aim for the top, no matter what they've really got. My father always used to say, act like you're the best. Even if you aren't, very few people can really tell. All the best to you, Burn. You make me very proud. :o)

     
  • At 10/12/2005 9:43 AM, Blogger eyed said…

    di ba habang tumataas ang degree umaakyat din boiling point? kaya pala marami na rin ang hindi cool. hehe.

     
Post a Comment
<< Home
 
 
click & crash
Latest Posts
Archives
Links