Thursday, May 26, 2005
para sa mga babae
nagre-rejoice ako hindi dahil sa mga pinagdaanan ni len, kundi sa pag-ahon nya sa mga panahon na iyon. natutuwa rin ako sa mga boses ng kababaihang nagbigay di lang ng komento, kundi ng pag-unawa, pakikiramay, at pagpupunyagi sa kalakasang pinapamalas.

sa isang banda, nakakalungkot na pinagdadaanan natin ito. bakit kailangang may "rainbow to follow each rain"? hindi ba maaring walang ulan? hindi ko ba makukuha ang kabutihan kung hindi ko pagdadaanan ang kabaligtaran nito?

bakit nga ba hindi gaanong nagkakaiba ang mga kwento natin? hindi lang sa dyaryo ko naririnig ang mga kwento tungkol sa molestation, pambubugbog, o kaya ay rape. naririnig ko rin ito galing sa mga bibig ng ilan sa mga taong nakapaligid sa akin. ayaw ko man tanggapin, iisa ang kwento nating mga kababaihan. hindi ko rin naman sasabihing "i am unscathed", because i am not.

kung maari sana ay hindi. kung maari sana ang common sa lahat sa atin ay hindi constant struggle kundi rainbows and a brand new day.

mararating rin natin iyan.
posted by click & crash @ 5/26/2005 10:33:00 AM  
1 Comments:
  • At 5/27/2005 6:34 PM, Blogger len said…

    sana yung rainbow would mean the day na wala ng babaeng matatakot dahil sa sya ay babae. thanks again burns.

     
Post a Comment
<< Home
 
 
click & crash
Latest Posts
Archives
Links