Wednesday, May 03, 2006
amoy araw

pansin ko lang, mukhang hindi ata tama iyon.

kung ikaw ay naglakad ng matagal sa kasagsagan ng init ng araw, sa kadahilanang tanghali ang job interview mo, o kaya ay naisipan mo lang mag-stroll buong tanghali, bakit sasabihin ng mga makakaamoy sa iyo na ikaw ay amoy araw? kasehodang nagpayong ka o lumilim o nag-shades? amoy araw ka pa rin.

hindi ba mas tama na amoy semento ka? dahil ang init ng araw ang nagpapainit ng semento o aspalto, na siya naman sumisingaw at kumakapit sa damit, sa buhok, sa balat, sa ilong.

kaya sa susunod na may nagsabing amoy araw ka, aba'y itama mo agad. "correction please, amoy semento po."

sabay taas ng kilay.
posted by click & crash @ 5/03/2006 05:18:00 PM   3 comments
click & crash
Latest Posts
Archives
Links